Comelec papayagan ang observers mula sa CHR sa araw ng botohan

Papayagan ng Commission on Elections na magkaroon ng observers ang Commission on Human Rights sa araw mismo ng halalan.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, mismong mga opisyal ng CHR ang nagpahayag ng intensyon sa naturang plano.

Ang idedeploy na mga tao ng CHR ay magsisilbing “observer” sa proseso ng botohan sa mga presinto.

Wala naman aniyang nakikitang dahilan ang Comelec para hindi ito payagan.

Nabatid na hiniling rin ng CHR na mapayagan ang kanilang mga tauhan na makaboto ng mas maaga sa eleksyon.

Ayon kay Garcia kailangan lang magpadala ng request ng CHR para mapag-aralan ito ng poll body.

Wala naman aniyang problema dahil ang CHR ay partner rin ng komisyon.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *