PhilHealth NCR paiigtingin ang kolaborasyon sa healthcare providers

Pormal nang inilunsad ng Philippine Health Insurance Corporation NCR ang PhilHealth NCR PULSE o Promoting Universal Health Care through Linkages, Synergy, and Engagement.

Sa pamamagitan ng PhilHealth PULSE program ay makapagbibigay ang PhilHealth sa healthcare providers ng mga impormasyon, update, makapagbahagi ng mga karanasan at innovations upang mapagbuti ang implementasyon ng UHC law.

Ayon kay Walter Bacareza ng PhilHealth Area South Luzon & NCR, mahalaga ang linkages o pagkonekta sa lahat ng stakeholders para sa mas episyente ang healthcare delivery at mapagsilbihan nang mas mabuti ang mga Pilipino.

Kaugnay nito, pinabulaanan ni Bacareza ang mga batikos na hindi nagbabayad sa oras ang PhilHealth sa mga ospital.

Pangunahin aniya sa problema kaya nadi-deny ang mga claims ng mga ito ay hindi nakikipagusap sa PhilHealth ang 50% sa mga ospital o healthcare institutions.

Nilinaw din ni Bacareza na walang katotohanan ang mga lumalabas na ulat na malulugi ang PhilHealth sa loob ng dalawang taon.

Ipinaliwanag pa ng opisyal sa healthcare providers na walang epekto ang pagtransfer sa halos P90 bilyong pondo ng PhilHealth sa national treasury sa operasyon at serbisyo nito sa mga miyembro at katunayan ay tataas pa ang benefit packages ng insurance corporation.

Moira Encina – Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *