Hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability tuloy ngayong araw, seguridad sa Batasan complex, hinigpitan
Dinoble ng Kamara ang seguridad sa Batasan Complex, sa pagpapatuloy ngayong araw nang pagdinig ng Hoise Committee on Good Government and Public Accountability, sa isyu ng confidential at intelligence fund ni Vice President Sara Duterte noong siya pa ang kalihim ng Department of Education.
Dahil ito sa bantang binitiwan ng Bise Presidente sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., First Lady Liza Marcoa at House Speaker Martin Romualdez.
Sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco sa isang ambush interview, na hindi binabalewala ang anumang banta sa seguridad ng matataas na opisyal ng pamahalaan.
Ayon kay Velasco, nakatanggap ng report ang Kamara na dadalo si VP Sara sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Kaugnay nito ay maagang dumating sa Kamara ang advance security ni VP Sara, upang hintayin ang kaniyang pagdating.
Samantala, natanggap na ng komite ang medical condition evaluation ng mga doktor sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC), na nagsabing patuloy na nakararanas ng acute stress si Atty. Zulieka Lopez, ang na-contempt na chief of staff ng Bise Presidente, kaya hindi ito makadadalo sa committee hearing.
Vic Somintac