Pilipinas nakapagtala ng halos P437 million na sales lead sa World Travel Market (WTM) 2024 sa London
Ipinagmalaki ng Department of Tourism (DOT) na naging matagumpay ang paglahok ng Pilipinas sa World Travel Market (WTM) 2024 na ginanap sa ExCeL Convention Center sa London.
Ayon sa DOT, ito ay matapos makapagtala ang Pilipinas ng Php 436,970,868 na sales lead.
Courtesy: DOT
Mas mataas ito ng mahigit Php 178 million sa sales lead ng Pilipinas sa WTM noong 2023.
Kasama ng DOT sa delegasyon ng Pilipinas sa WTM 2024 ang 22 private sector exhibitors kabilang ang tour operators, destination management companies, at hotels and resorts.
May mga kinatawan din mula sa Aklan Provincial Government, Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), at Philippine Retirement Authority (PRA).
Courtesy: DOT
Ang delegasyon ay nakapagtala ng 466 sales leads at 41 onsite bookings.
Sinabi ng DOT na naipakita ng Pilipinas sa WTM ang maraming cultural, natural, at adventure experiences na maiaalok ng bansa sa mga turista.
Moira Encina-Cruz