Syrian rebels, tinatrabaho na ang pagbuo ng gobyerno at pagpapanumbalik ng kaayusan makaraan ang pagpapatalsik kay Assad

Rebel fighters pose as they hold a Syrian opposition flag inside the Umayyad Mosque, after rebels seized the capital and ousted Syria's Bashar al-Assad, in Damascus, Syria December 9, 2024. REUTERS/Amr Abdallah Dalsh

Ang tila kidlat sa bilis na pagpapabagsak kay Syrian President Bashar al-Assad ay nagdulot ng kaba sa mga mamamayan ng Syria, sa mga bansa sa rehiyon at sa world powers, kung ano na ang susunod habang gumagawa ng unang hakbang ang alyansa ng mga rebelde para sa isang government transition.

Nagkaroon ng close door meeting ang UN Security Council nitong Lunes, at sinabi ng mga diplomat na ikinabigla nila ang bilis ng pagkakapatalsik kay Assad sa loob ng 12-araw makaraan ang 13-taong civil war.

Sinabi ni Russian Ambassador Vassily Nebenza, “Everyone was taken by surprise, everyone, including the members of the council. We have to wait and see and evaluate how the situation will develop.’

People walk at the Umayyad Mosque, after rebels seized the capital and ousted Syria’s Bashar al-Assad, in Damascus, Syria December 9, 2024. REUTERS/Mohamed Azakir

May mahalagang papel ang Russia sa pagsuporta sa gobyerno ni Assad at sa pagtulong sa paglaban sa mga rebelde. Ang Syrian leader ay tumakas mula sa Damascus patungong Moscow noong Linggo, na tumapos sa mahigit 50-taong brutal na pamamahala ng kaniyang pamilya.

Nitong Lunes din ay pumayag ang prime minister ni Assad na si Mohammed Jalali, na ilipat na ang kapangyarihan sa rebel-led Salvation Government, isang administrasyon na nakabase sa rebel-held territory sa northwest Syria.

Nakipagkita ang pangunahing rebel commander na si Ahmed al-Sharaa, na mas kilala bilang si Abu Mohammed al-Golani kay Jalali at kay vice president Faisal Mekdad, upang pag-usapan ang transitional government, ayon sa source na pamilyar sa usapin. Sinabi ni Jalali na ang handover ay maaaring abutin ng ilang araw.

People walk in Damascus, after rebels seized the capital and ousted Syria’s Bashar al-Assad, Syria December 9, 2024. REUTERS/Mohamed Azakir

Ayon sa report, ang transitional authority ay pangungunahan ni Mohamed al-Bashir, na siyang namumuno sa Salvation Government.

Ang steamroller advance ng militia alliance na pinamumunuan ni Hayat Tahrir al-Sham (HTS), isang dating Al-Qaeda affiliate, ay isang generational turning point para sa Middle East.

Ang digmaang sibil na nagsimula noong 2011 ay pumatay ng daan-daang libo, nagdulot ng isa sa pinakamalaking krisis sa mga refugee sa modernong panahon at iniwang durog ang mga lungsod na binomba, ang mga kanayunan ay nawalan ng populasyon at ang ekonomiya ay bumagsak bunsod ng global sanctions.

Rebel fighters ride a military vehicle, after they seized the capital and announced that they had ousted President Bashar al-Assad, in Damascus, Syria, December 9, 2024. REUTERS/Mahmoud Hassano

Ang alyansa ng rebelde ay hindi nagpahayag ng mga plano para sa kinabukasan ng Syria.

Ang mga presyo ng langis ay tumaas ng higit sa 1% noong Lunes, na bahagyang dahil sa mga alalahanin na ang kawalang-tatag sa Syria, na hindi isang pangunahing producer ng langis, ay maaaring magpataas ng mga tensyon sa rehiyon, ayon sa mga analyst.

Sinabi ni deputy US ambassador to the UN Robert Wood, “This is an incredible moment for the Syrian people. We’re  focused on trying to see where the situation goes. Can there be a governing authority in Syria that respects the rights and dignities of the Syrian population?”

A statue of Yusuf al-Azma stands, after Syrian rebels seized the capital and announced that they had ousted President Bashar al-Assad, in Damascus, Syria, December 9, 2024. REUTERS/Mahmoud Hassano

Ayon sa Washington, ang US ay naghahanap ng mga paraan upang makipag-ugnayan sa mga rebeldeng grupo ng Syria at nakikipag-ugnayan sa kanilang partners sa rehiyon tulad ng Turkey, upang simulan ang impormal na diplomasya.

Ang mga diplomat ng Qatar ay nakipag-usap sa HTS noong Lunes, sinabi ng isang opisyal na may nalalaman sa mga development, habang ang regional states ay nakikipaghabulan upang makontak ang grupo.

Ilang insurgent fighters na nag-iikot sa kapitolyo nitong Lunes, na nagtitipon sa central Umayyad Square, ang nagpahayag ng pag-asang isang civilian administration ang magpapatakbo sa bansa sa lalong madaling panahon.

People walk next to closed shops during curfew in Damascus on December 9 2024 after Syrian rebels ousted President Bashar al-Assad. REUTERS/Amr Abdallah Dalsh

Sinabi ni Firdous Omar, isang fighter na nagnanais na bumalik sa pagsasaka sa lalawigan ng Idlib, “We want the state and security forces to be in charge.”

Nangako si Golani na muling itayo ang Syria, at gumugol naman ng maraming taon ang HTS sa pagtatangkang “palambutin” ang kanilang imahe upang bigyang katiyakan ang mga dayuhang bansa at ang minority groups sa loob ng Syria.

Gayunpaman, nanatili ang takot sa paghihiganti. Sinabi ng HTS na hindi ito magdadalawang-isip na papanagutin ang mga opisyal ng seguridad at hukbo na kasangkot sa pagpapahirap sa mga Syrian, na naglalarawan sa kanila bilang mga kriminal at mamamatay-tao.

Ayon kay Golani, “We will release a list that includes the names of the most senior officials involved in the torturing of the Syrian people. Rewards will be offered to those who provide information about senior army and security officers involved in war crimes.”

Ang HTS ay ibinibilang na isang teroristang organisasyon ng maraming estado at ng UN, at ang mga kredensyal nito sa pamamahala ay hindi sigurado.

Sinabi ni Syrian UN Ambassador Koussay Aldahhak, “Syrians are looking forward to establishing a state of freedom, equality, rule of law, democracy, and we will join efforts to rebuild our country, to rebuild what was destroyed, and to rebuild the future, a better future of Syria.”

May mga pansamantalang senyales ng pagbabalik sa kaayusan. Ang mga bangko ng Syria ay muli nang nagbukas ngayong Martes, at tinawagan na ng oil ministry ang lahat ng kanilang mga empleyado sa sektor na magbalik trabaho na, sa pagsasabing bibigyan sila ng proteksiyon upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *