Hukom sa Mexico patay matapos tambangan

People stand behind a police cordon as security authorities work at the crime scene where the former head of the highest court in Mexico's Guerrero state, Judge Edmundo Roman Pinzon, was gunned down in his car outside the Palace of Justice, in Acapulco, Mexico December 11, 2024. REUTERS/Javier Tinoco

Isang senior judge ang tinambangan sa Mexican resort city ng Capulco, isang araw makaraang bumisita doon ng pangulo ng bansa upang pulungin ang security officials kaugnay ng serye ng mga karahasan.

Si Edmundo Roman Pinzon, dating pinuno ng pinakamataas na korte sa Guerrero state ng Mexico, ay binaril patay sa kaniyang sasakyan batay sa mga larawan sa crime scene na ibinahagi sa local media reports.

Members of Mexico’s Navy chat on the perimeter of a crime scene where the former head of the highest court in Mexico’s Guerrero state, Judge Edmundo Roman Pinzon, was gunned down in his car outside the Palace of Justice, in Acapulco, Mexico December 11, 2024. REUTERS/Javier Tinoco

Inanunsiyo ng security ministry ng Guerrero at ng attorney general’s office, na iimbestigahan nila ang nangyari.

Ayon naman kay Guerrero Governor Evelyn Salgado, “We will not allow this crime to go unpunished.”

Ang Acapulco ay dating isa sa pinakapopular na tourist spot ng Mexico, dahil sa mga beach nito at cliff divers.

Security authorities work at the crime scene where the former head of the highest court in Mexico’s Guerrero state, Judge Edmundo Roman Pinzon, was gunned down in his car outside the Palace of Justice, in Acapulco, Mexico December 11, 2024. REUTERS/Javier Tinoco

Ngunit sa loob ng maraming taon, ang lungsod ay sinalanta ng karahasang gawa ng mga kartel, na nagtulak palayo sa karamihan ng international visitors, habang ang nakapaligid na estado ng Guerrero ay nakaranas ng paglubha ng karahasan na ang marami ay gawa ng mga gang, kabilang dito ang asasinasyon sa mga pulitiko at political candidates.

Noong Oktubre, ang alkalde ng kabisera ng estado ng Chilpancingo ay pinatay ilang araw pagkatapos nitong maupo sa puwesto, na nagpagalit sa mga tao dahil sa pagiging brutal ng pagpaslang sa opisyal.

Isang araw bago tambangan si Pinzon, ay bumisita si Mexican President President Claudia Sheinbaum upang pulungin ang security officials at mga gobernador ng Acapulco.

REUTERS/Javier Tinoco

Si Sheinbaum, na naupo sa puwesto noong Oktubre, ay nangakong uulitin sa bansa ang naging tagumpay niya bilang alkalde ng Mexico City, sa pagpapababa ng murder rate ng kapitolyo.

Ngunit ang unang dalawang buwan niya sa tungkulin ay namarkahan ng paglaganap ng cartel violence sa ilang hotspots, kabilang ang estado ng Sinaloa, kung saan tumaas ang bilang ng homicides sa kabila nang pagpapakalat ng daan-daang mga sundalo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *