President Yoon, inimpeach ng South Korean lawmakers dahil sa martial law proclamation
Bumoto ang mga mambabatas sa South Korea upang i-impeach si Pangulong Yoon Suk Yeol kaugnay ng nabigong pagdedeklara ng martial law, kung saan idineklara ng oposisyon na “nagtagumpay ang mga mamamayan.”
Nangyari ang botohan habang daang libong katao ang nagtipon sa mga lansangan ng Seoul, kapwa pro at anti-Yoon, na naglunsad ng nabigong pagtatangka na magpa-iral ng martial law noong December 3.
Sa 300 mga mambabatas, 204 ang bumoto upang i-impeach ang pangulo sa alegasyon ng insureksiyon, 85 naman ang bumoto kontra rito, tatlo ang nag-abstain, habang nullified ang walong boto.
Sa impeachment, masususpinde si Yoon sa pwesto habang sumasailalim ng deliberasyon ng Constitutional Court ng South Korea ang boto.
Si Prime Minister Han Duck-soo sa ngayon ang magiging interim leader ng bansa.
Mayroon namang 180 araw ang korte upang pagpasyahan ang hinaharap ni Yoon.
Dalawangdaang boto ang kailangan upang maipasa ang impeachment to pass, at kailangang kumbinsihin ng opposition lawmakers ang hindi bababa sa walong parliamentarians mula sa conservative People Power Party (PPP) ni Yoon na sumang-ayon sa impeachment.
Kung susuportahan ng Constitutional Court ang kanyang pagkakatanggal, si Yoon ang magiging pangalawang pangulo sa kasaysayan ng South Korea na matagumpay na na-impeach.
At sakaling mabigo ang boto, maaari pa ring harapin ni Yoon ang “legal na pananagutan” para sa martial law declaration, ayon kay Kim Hyun-jung, isang researcher sa Korea University Institute of Law.