Power supply sa Kenya naibalik na makaraan ang isang major outage na nakaapekto sa internet access

A technician works on the cables of a high voltage electricity transmission pylon from the Kiambere hydroelectric dam in Embakasi district of Nairobi, Kenya January 12, 2022. REUTERS/Monicah Mwangi/File Photo

Naibalik na ang suplay ng kuryente, mga anim na oras pagkatapos dumanas ng isang malawakang power outage ngayong Miyerkoles na nakaapekto sa maraming lugar sa bansa.

Ayon sa pangunahing power utility ng bansa, ang Kenya Power ang sanhi ng outage sa pinakamalaking ekonomiya sa East Africa na naunang napaulat bandang ala una bente otso ng madaling araw (local time), ay hindi pa natutukoy.

Sinabi pa ng kompanya, na nabalot ang maraming lugar sa Kenya maliban sa Western at Rift Valley regions.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng Kenya Power, “We are pleased to report that power supply has been restored to all the affected areas following a widespread outage. We thank our customers for their patience during the restoration exercise.”

Mahigit sa 9.6 na milyong customers sa Kenya ang siniserbisyuhan ng kompanya, ayon na rin sa kanilang website.

Ang malawakang outage ngayong Miyerkoles, na nakaapekto rin sa internet access sa bansa, ang pinakabago sa isang serye ng pabalik-balik na blackouts na dinanas ng Kenya sa nakalipas na mga taon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *