Proseso ng paggawad ng executive clemency, ‘di puwedeng madaliin,’ ayon sa DOJ

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na hindi maaaring basta-basta igawad ang executive clemency sa isang person deprived of liberty o PDL.

Sa harap ito ng panawagan ng kampo ng Pinay drug convict sa Indonesia na si Mary Jane Veloso, ngayong inilipat na sa Pilipinas ang kustodiya nito.

Ayon kay Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres Jr., may mga proseso at panuntunan na kailangang sundin ang Board of Pardons and Parole na magrerekomenda sa pangulo ng mga bibigyan ng clemency.

Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres Jr.

Iginiit ni Andres na matagal na proseso ang clemency at dapat na maghintay ang kampo ni Veloso, lalo na’t kailangan din mapag-aralan ang kaso nito na nahatulan sa Indonesia at inilipat sa Pilipinas.

Ayon kay Andres, “The board of pardons and parole should make proper evaluation. Kailangang magkaroon ng rekomendasyom na i-elevate po sa ating pangulo bago sya makapag-grant ng executive clemency or pardon. Matagal na proseso po yan hindi pwedeng madaliin, sa ngayon po ay ipinatutupad lang natin ang kasunduan with the government of Indonesia for Mary Jane, just to serve her prison sentence in the Philippines.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *