Reporma sa administrasyon, hindi makaaapekto sa pag-apruba sa mga proyekto – Vietnam

A man cycles in front of the National Assembly Building of Vietnam, in Hanoi, Vietnam, May 18, 2024. REUTERS/Francesco Guarascio/File photo

Sinabi ng gobyerno ng Vietnam, na ang mahalagang plano na ireporma ang kanilang administrasyon ay hindi makaaapekto sa pag-apruba sa mga proyekto.

Sa gitna ito ng pangamba ng mga mamumuhunan na maaaring magresulta iyon ng pagka-antala sa mga susunod na buwan.

Ang naturang Southeast Asian country, na isang regional industrial hub, ay nagpaplano ng isang malaking “bureaucratic reform” kung saan sa kasalukuyang panukala, ay nakapaloob ang pag-aalis sa maraming state bodies, kabilang na ang pagbuwag sa limang ministries, apat na government agencies at limang state TV channels.

Sinabi ng tagapagsalita ng foreign ministry na si Pham Thu Hang, “The restructuring process will not affect the implementation of investment procedures and processes in Vietnam because the state management function remains unchanged.”

Welcome naman sa mga investor, diplomats at mga opisyal ang reporma, na nakadisenyo upang mabawasan ang red tape at bureaucracy, ngunit marami ang nag-aalala sa administrative delays sa mga darating na buwan.

Ang bansang pinatatakbo ng mga komunista ay lubhang umaasa sa foreign investment sa manufacturing upang mapasigla ang kanilang booming export-oriented economy.

Subalit nitong nagdaang mga taon, naging maingay ang mga mamumuhunan sa pagpaparating ng disgusto sa pagkaantala ng pag-apruba sa mga project proposal at regulatory reforms.

Ang administrative overhaul, na maaaring amyendahan bago ang isang botohan sa parliyamento sa Pebrero, ay naglalayong tugunan ang mga nabanggit na alalahanin.

Ayon kay Hang, “Along with the restructuring process, Vietnam continues to have strong regulations on simplifying investment processes to facilitate foreign enterprises’ operations in Vietnam for the long term.”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *