First Philippine Polymer Banknotes Series, ipinakita na ng Bangko Sentral ng Pilipinas

Courtesy: BSP FB

Ipinakita na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang First Philippine Polymer Banknote Series (FPP), na kinabibilangan ng mga bagong denominasyon ng 500-, 100-, at 50-piso, kasama ang 1000-piso na una nang inilunsad noong April 2022.

Tampok sa FPP ang larawan ng mga hayop at halaman na sa Pilipinas lamang matatagpuan, maging ang mga disenyo ng tradisyunal na habi sa bansa na sumasalamin sa mayamang biodiversity at pamanang kultural ng bansa.

Tinawag na smarter, cleaner at stronger dahil sa taglay nitong advanced anti-counterfeiting features at mas maliit na carbon footprint. Hindi rin mabubuhay ng matagal ang mga virus at bacteria sa polymer, at mas tatagal ang mga ito sa sirkulasyon kumpara sa perang papel.

Ang mga bagong denominasyon ng polymer banknotes ay magsisimulang ilabas sa Enero ng susunod na taon.

Courtesy: BSP FB

Samantala, inilunsad na rin ng BSP ang expanded PH Polymer Website para sa mga nagnanais ng karagdagang impormasyon tungkol sa FPP.

I-click lamang ang link (bit.ly/PolymerPH) o kaya ay i-scan ang QR code para sa dagdag na mga kaalaman tungkol sa FPP Banknote Series.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *