“First Philippine Polymer Banknote Series” mula sa BSP, tinanggap ni PBBM

Courtesy: BSP FB

Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang “First Philippine Polymer Banknote Series” mula kay Bangko Sentral ng PilipinA (BSP) Governor Eli M. Remolona, Jr., sa isang seremonya sa palasyo ng Malacanang.

Kinabibilangan ito ng mga bagong denominasyon ng 500-, 100-, at 50-piso, kasama ang 1000-piso na una nang nailunsad noong April 2022.

Ang polymer banknote series ay magkakasamang lalabas sa sirkulasyon ng mga perang papel. Ang polymer at paper banknotes ay kapwa maaaring gamiting pambayad.

Ayon sa pangulo, “The first Philippine Polymer Banknote series which includes the 1000-, 500-, 100-, and 50-piso denominations, marks a historic moment for our country. It builds on the success of the 1,000-piso polymer note introduced in April of 2022 and aligns with the global best practice of updating currency features every 10 years.”

Dagdag pa niya, “Polymer banknotes are designed to keep up with the demands of everyday life. Unlike paper bills, which wear out after about a year or a year and a half, polymer banknotes can last up to seven and a half years, five times longer. And that means that we no longer need to replace them as often, saving money, cutting down on waste, and making a meaningful contribution to protecting the environment.”

Courtesy: BSP FB

Sa kaniya namang bahagi ay sinabi ni BSP Governor Remolona, “the polymer series raises awareness of the country’s threatened species, serves as a symbol of Filipino identity and fosters national pride.”

Ang bagong polymer banknotes series ay magiging available sa limitadong dami sa Greater Manila Area simula December 23, 2024, at pagkatapos ay sa iba pang lugar sa bansa.

Ang mga bagong denominasyon ng polymer series ay inisyal na maaaring i-withdraw sa bank counters. Kalaunan, ang 500- at 100-piso polymer banknotes ay magiging available na rin sa automated teller machines o ATMs.

Binabago ng mga bangko sentral sa buong mundo ang disenyo ng kanilang banknotes sa iba’t ibang kadahilanan, kabilang na ang security laban sa counterfeiting. Marami ang nagbabago ng disenyo kada sampung taon. Ang umiiral na New Generation Currency Series ng Pilipinas ay unang lumabas sa sirkulasyon mahigit sampung taon na ang nakalilipas.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *