Isang katawan narekober mula sa binahang minahan sa India

Members of a rescue team stand next to a pulley machine during a rescue operation for trapped miners in Umrangso in Dima Hasao district in the northeastern state of Assam, India, January 7, 2025. REUTERS/Stringe

Narekober na nitong Miyerkoles ang katawan ng isang minero mula sa binahang coal mine sa isang liblib na distrito ng northeastern state ng Assam sa India, dalawang araw pagkatpos simulan ang paghahanap para sa siyam na lalaking na-trap sa loob ng minahan.

Ang coal mine na 300 talampakan (91.44 metro) ang lalim at maraming underground tunnels, ay pinaniniwalaang binaha noong Lunes ng umaga nang tamaan ng mga minero ang isang water source, ayon sa mga opisyal at isang state minister.

Sinabi ni Himanta Biswa Sarma, chief minister ng Assam state, “The extent of the flooding hampered rescue work on Tuesday, but expert divers entered the mine again early on Wednesday and were able to retrieve a body.”

Ayon sa mga opisyal, ang naturang minahan ay ilegal.

Sinabi ng isa sa mga divers makaraan nilang marekober ang katawan, “We didn’t see the body, it was completely dark inside, we felt a body using our hands, and that’s how we were able to retrieve them.”

Nagdeploy ang army ng divers, helicopters at engineers upang tumulong sa rescue efforts sa Dima Hasao district sa Assam.

Ayon kay H P S Kandhari, isang commandant sa National Disaster Relief Force, ang federal agency na responsable para sa mga katulad na operasyon, “It is difficult to say how long the operation will take, because we have been told there are rat holes in the mine.”

Ang rat hole mines, na tinawag nang ganoon dahil ang sukat ng tunnels nito ay kasya lamang para sa isang tao, ay karaniwan nang ginagamit noon sa northeastern states ng India..

Ipinagbawal ito noong 2014 dahil sa malaking bilang ng mga namamatay at sa pinsalang idinulot nito sa kapaligiran.

Noong 2019, hindi bababa sa 15 mga minero ang nalibing habang nagtatrabaho sa isang illegal rat-hole mine sa katabing estado ng Meghalaya, makaraan iyong mapuno ng tubig galing sa kalapit na ilog.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *