Mga estudyante at government workers sa Maynila at Pasay, walang pasok bukas, Enero 13
Suspendido ang pasok sa government offices at lahat ng antas ng private at public schools sa mga lungsod ng Maynila at Pasay, bukas, Lunes, Enero 13.
Batay ito sa Memorandum Circular No. 76 na may lagda ni Exec. Sec. Lucas Bersamin.
Subalit hindi kasama rito ang mga tanggapan ng gobyerno na naghahatid ng serbisyo publiko maging ang mga ahensiyang tumutulong sa mga sakuna at kalamidad.
Ang deklarasyon ay upang bigyang-daan ang maayos na pagdaraos ng National Rally for Peace, na inaasahang dadaluhan ng maraming tao.
Samantala, ang suspensiyon ng pasok ng mga nagtatrabaho sa pribadong sektor ay ipauubaya sa pamunuan ng tanggapan o kompanya,
Ang naturang peace rally ay hindi lamang sa Maynila gaganapin kundi maging sa iba’t ibang lugar sa bansa, na pangungunahan ng Iglesia Ni Cristo.