Davao City government, nagdeklara ng suspensiyon ng klase at pagpapatupad ng skeleton workforce para sa Enero 13
Photo: Davao City Gov’t FB
Nagdeklara si Davao City Mayor Sebastian Duterte ng suspensiyon ng face-to-face classes at school activities sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong mga paaralan, dahil sa gaganaping National Rally for Peace, bukas, Enero 13.
Kaugnay nito ay hinimok niya ang mga paaralan na magsagawa na lamang ng asynchronous mode of learning.
Bukod dito ay magpapatupad din ng skeleton workforce sa lahat ng national at local government offices, kabilang ang government-owned and controleed corporations (GOCC), sa Davao City.
Subalit magpapatuloy ang mga ahensiya na ang trabaho ay kinabibilangan ng pagbibigay ng basic health, safety and security at social services, disaster and energency preparedness/response, at/o iba pang mahahalagang mga serbisyo.
Ipauubaya naman sa mga pribadong tanggapan at establisimyento sa mga apektadong lugar, kung magsususpinde ng pasok o magpapatupad ng work-from-home o sjeleton workforce arrangements, ngunit hinihimok silang gawin ito para na rin sa kani-kanilang mga manggagawa.
Ang suspensiyon ay batay sa Proclamation No. 01, Series of 2025 na nakabase naman sa Resolution No. 04022-25 na ipinasa ng city council noong January 7, upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa panahon ng peace rally.