Global displacement madaragdagan ng 6.7 milyong katao sa pagtatapos ng susunod na taon ayon sa aid group


Rohingya refugee children walk along at the Kutupalang refugee camp in Cox’s Bazar, Bangladesh, June 26, 2024. REUTERS/Mohammad Ponir Hossain/File Photo
Nasa 6.7 milyon ang inaasahang madaragdag sa mga bagong mapapaalis sa kanilang mga tahanan sa buong mundo sa pagtatapos ng 2026, ayon sa Danish Refugee Council ngayong nagkabisa na ang aid cuts mula sa key donors gaya ng Estados Unidos.
Noong isang taon ay sinabi ng U.N. refugee agency, na ang bilang ng mga taong napilitang lisanin ang kanilang tahanan sa buong mundo ay humigit sa 117 milyon, at nagbabala na maaaring tumaas pa ang nasabing bilang.
Sinabi ni Charlotte Slente, secretary general ng Danish Refugee Council, “These are not cold statistics. These are families forced to flee their homes, carrying next to nothing, and searching for water, food, and shelter.”
Dalawampu’t pitong mga bansa ang kumakatawan para sa halos sangkatlo o 1/3 ng lahat ng global displacements. Ang projection ay base sa AI-driven model na humuhula sa displacement trends sa pamamagitan ng pag-analisa sa mahigit 100 indicators kabilang na ang mga salik gaya ng seguridad, pulitika at ekonomiya sa nabanggit na mga bansa.
Tinaya nito na halos 1/3 ng mga bagong displacement ay manggagaling sa Sudan, na ngayon ay siya nang pinakamalalang refugee crisis sa mundo, makaraang ang dalawang taon ng giyera. Panibagong 1.4 na milyong katao pa ang inaasahang puwersahang madi-displace mula sa Myanmar, ayon sa report.
Pinutol na ni U.S. President Donald Trump ang bilyong dolyar na aid programs sa buong mundo bilang bahagi ng isang “major spending overhaul” ng pinakamalaking aid donor sa mundo.
Ang Danish Refugee Council ay isa sa aid groups na tinamaan at nagkaroon ng mahigit sa 20 ontract terminations.
Ang aid cuts mula sa Washington at iba pang key donors ay nakaapekto na sa refugees.
Ayon kay Slente, “Millions are facing starvation and displacement, and just as they need us most, wealthy nations are slashing aid. It’s a betrayal of the most vulnerable.”