OSG hindi lang abogado ng gobyerno kundi tagapagtanggol din ng mamamayan –SolGen Guevarra

0
SOLGEN MENARDO GUEVARRA

Solicitor General Menardo Guevarra

Nilinaw ni Solicitor General Menardo Guevarra na hindi lang pagiging abogado ng pamahalaan ang mandato ng Office of the Solicitor General (OSG).

Ito ang sagot ni Guevarra sa pahayag ni Malacañang Press Officer Claire Castro, na dapat nitong suriin kung nararapat pa itong maging pangunahing abogado ng gobyerno.

Ayon kay Guevarra, “The OSG is not only the government’s counsel; it is also the tribune of the people.”

Aniya, ang OSG ay tagapagtanggol din ng mga interes at karapatan ng mamamayan.

Kaugnay naman sa mga panawagan na magbitiw ito sa puwesto, sinabi ni Guevarra na ang desisyon kung siya ay dapat alisin ay nakasalalay kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., “That’s the president’s exclusive call.”

Noong Lunes ay naghain ang OSG sa Supreme Court ng manifestation and motion, para umatras bilang abogado ng gobyerno sa mga petisyon ng mga anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa ICC arrest.

Ayon sa OSG, hindi nito epektibong magagampanan ang tungkulin na katawanin ang respondents, dahil sa matibay na posisyon nito noon pa man na wala nang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.

End

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *