Media post tungkol sa umano’y tinanggap nitong petisyon ukol sa sinasabing 16 million signatures na nananawagang magbitiw na ang pangulo, itinanggi ng Korte Suprema

Itinanggi ng Korte Suprema ang social media posts na may natanggap itong petisyon ukol sa sinasabing 16 million signatures, na nananawagan ng pagbibitiw sa puwesto ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, fabricated o gawa-gawa ang dokumento na ipinost sa Facebook ng mga account na may pangalang “Choose Libungan” at ” Bernard Flores Maicon” dahil wala silang inisyu na ganoong pahayag.

Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting
Pinasinungalingan din ng SC ang iba pang posts ng mga nabanggit na FB accounts na magku-convene nitong Lunes ang mga mahistrado para talakayin ang sinasabing petisyon.
Kaugnay nito, sinabi ni Ting na aaksyunan, iimbestigahan at papananagutin ng SC kung kinakailangan ang mga responsable sa mga akto ng disinformation, kabilang na ang fake news noong March 11 na nagsabing nagpalabas ng TRO ang Korte Suprema sa isyu ng ICC Duterte arrest.
Nagbabala rin ang SC laban sa pagsi-share ng mga hindi beripikadong impormasyon at hinimok ang publiko na maniwala lamang sa mga opisyal na anunsiyo ng SC na nakalathala sa kanilang official website.
End