Registration ng Pilipinas Babangon Muli Party List, pinakakansela sa Comelec

0
COMELEC LOGO

Pinakakansela sa Commission on Election ang registration ng Pilipinas Babangon Muli (PBBM) bilang Regional Political Party at Party List.

Sa petisyon na inihain ni Atty. Jess Christian Ramirez, hiniling niya sa Comelec na huwag payagang makasali sa 2025 Midterm election ang PBBM, na pinangungunahan ng mga nominees na sina Ma. Cecilia Badajos, Thomas Benedict Baluga, Karen Acosta, Elena Badajos, Alexis Badajos Garcia, Francis Carl Acosta at Jerald Acosta Dao.

Giit ni Ramirez, marami itong paglabag sa Party List Law.

Kabilang sa mga tinukoy na umano’y paglabag ng PBBM Party List, ay nang maghain ito ng aplikasyon bilang Regional Political Party sa CALABARZON, gayong ang mga nominado ay hindi naman residente ng Region 4A.

Hindi rin umano ang mga nabanggit na pangalan ang nakarehistro sa Comelec nang maghain ang PBBM ng aplikasyon.

Sa kanilang registration, iginiit ng PBBM Party List ang kanilang principal headquarters ay nasa Taal Batangas subalit ang mga nominado ay galing ng Abra Province, Cagayan de Oro at iba pang lugar, gayong ang kanilang isinumite sa Comelec ay dapat ekslusibo lamang ang kakatawan sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *