DAR nakatutok sa pagsugpo ng epekto ng lumalalang climate change

 

AGOSTO 11 (Agila Probinsya) — Puspusan ngayon ang kampanya ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa kanilang mga kooperatiba para maihanda sila sa pagtulong na masugpo ang lumalalang pag-init ng mundo dahil sa pabago-bagong panahon.

Ayon sa focal person ng Climate Change na si Emil Maure, naka-integrate ngayon ang usapin ng climate change sa isinasagawa nilang mandatory training para sa kanilang mga assisted cooperative sa iba’t-ibang dako ng Aurora.

Katuwang ang Cooperative Development Authority, nagsimulang paigtingin ng DAR ang pagpapatibay sa kanilang mga kooperatiba sa pamamagitan ng mga pagsasanay sa management, operation at teknolohiya.

Tinukoy naman ni Maure ang organikong pagsasaka bilang isa sa mabisang paraan ng mitigation at adaptation measures sa sektor ng agrikultura para labanan ang climate change.

(Agila Probinsya Correspondent Sunny Liste)

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *