46th Founding Anniversary ng San Jose City , ipinagdiwang
46th Founding Anniversary ng San Jose City
AGOSTO 12 (Agila Probinsya)— Ginunita ang ika-apatnapu’t anim na selebrasyon ng pagkakatatag ng San Jose bilang isang lungsod na may temang, “Kabataan, pangalagaan para sa magandang kinabukasan.”
Kaugnay nito, nagsagawa ng programa ang lokal ng pamahalaan para sa mga kabataan, kung saan nanumpa na rin ang mga “Little City Officials” na manunungkulan sa buwan ng Disyembre.
Bahagi rin ng pagdiriwang ang ginanap na parada na nilahukan ng iba’t-ibang sektor sa lungsod gaya ng Department of Education (DepEd), Local Government Units (LGUs) employees, Philippine National Police (PNP), Philippine Army at mga non-government organization.
Kasama sa mga nagparada ang mga estudyante mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod kung saan, bitbit ng mga ito ang placard na nagsasaad patungkol sa pag-iwas, paglaban, at tuluyang pagpuksa sa droga.
Nagpasalamat si Marivic V. Belena, Punong lungsod ng nasabing lalawigan sa lahat ng mga nakiisa sa nasabing pagdiriwang.
Samantala, natuwa naman ang mga kabataan, sapagkat sila ang naging tema ng ika-apatnapu’t anim na selebrasyon ng San Jose City.
(Agila Probinsya Correspondents Raymark Reyes, Ella Domingo Reyes, Jennylyn Cornel)