Iglesia Ni Cristo sa Nueva Ecija nagsagawa ng Blood Letting Activity
Upang makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng dugo, nagsagawa ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ng Blood Letting Activity sa Munoz National High School, Science City of Munoz, Nueva Ecija.
Sa pakikipagtulungan ng National Kidney Transplant and Institute, mahigit na 300 ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang tumugon sa naturang proyekto, samantalang mahigit na isang daang bag naman ng dugo ang nakuha mula sa mga qualified blood donors.
Sinabi namaqn ni Kapatid na Lito Bulaong, isa sa mga blood donor, na nagagalak sila sapagkat lalong lulusog ang kanilang katawan sa pagdodonate ng dugo at makatutulong pa sila sa kanilang mga kababayan na nangangailangan ng dugo.
Nagpasalamat din siya sa Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, Kapatid na Eduardo V. Manalo, sapagkat sa ganitong mga proyekto ng pamamahala ay nabibigyan sila ng pagkakataon na mapatunayan na kahit ang kanilang buhay ay handa nilang ibigay para sa kanilang kapwa.
(Agila Probinsya Correspondent Angelo Sevilla)