Piloto namatay, estudyante nasaktan sa Bulacan trainer plane crash
MANILA, Sept. 16 (PNA)– Isang piloto ang namatay samantalang ang kanyang kasamang student-pilot ay nasugatan pagkatapos bumagsak ang kanilang trainer plane sa runway 35 ng Plaridel airport sa Barangay Agnaya, Plaridel Bulacan noong Martes ng hapon, ayon sa mga awtoridad.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, isang C152 type trainer aircraft ang bumagsak bandang 4:46 p.m.
Ang piloto ay si Capt. Arthur Rebollido at ang student pilot ay si James Oquialda ay idinala sa ospital ng CAAP rescue team, ayon sa CAAP.
Ayon kay Plaridel Airport area manager Eduardo Lansang, si Rebollido ay binawian ng buhay habang idinadala sa ospital.
Habang si Oquinalda, na nagtamo ng fractured skull, ay patuloy pa ring inoobserbahan.
Ayon sa CAAP, ang aircraft , na may registry number RO-C8691, ay wasak ng matagpuan.
Ang eroplano ay nagsasagawa ng touch-and-go sa Plaridel Airport bandang 4:00 p.m. hanggang 4:46 p.m. nang mangyari ang insidente.