Kauna-unahang “Honesty Store” binuksan sa Sto. Tomas, Pangasinan
Masayang binuksan ang kauna-unahang honesty store sa probinsya ng Pangasinan sa bayan ng Sto. Tomas na kilalang may Guinness World Title at tinaguriang certified crime and srug-free at child-friendly community.
Ang honesty store ay inspirasyon mula sa probinsya ng Batanes kung saan ay hinirang itong kauna-unahang honesty store sa buong Pilipinas. Ang tindahang ito ay hindi pagkaraniwan sapagkat ito ay laging bukas, hindi binabantayan at lahat ay malayang kumuha, bumili ng kanilang kailangan at ang bayad ay pwedeng iwan sa isang kahon na naroon.
Ito ay sang-ayon sa slogan ng honesty store na “Ang tindahang mapagkakatiwalaan, bili ko, kuha ko, bayad ko, sakto!”
Layunin ng ipinatayong honesty store na makilala at at maging atraksyon sa mga turista ang tindahang ito sa nasabing lalawigan.
(Agila Probinsya Correspondent Ben Salazar)