U.S., tinututukan ang posibleng banta ng ISIS sa Pilipinas
Mahigpit na binabantayan ng Estados Unidos ang posibleng banta ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Pilipinas at iba pang bansa sa Timog Silangang Asya.
Ayon kay US Ambassador to the Philippines, Philip Goldberg mahigpit nilang binabantayan ang mga aktibidad ng mga grupong posibleng kaalyado o kaya’y nakikisimpatya sa ISIS.
Sinabi pa ni Goldberg na nais ng Estados Unidos na maging handa at makakilos ang bansa sakaling isakatuparan ng ISIS ang pag-atake. Matatandaang kabilang sa mga naunang nagpahayag ng suporta sa ISIS ang grupong Abu Sayyaf.
Please follow and like us: