29 probinsya, posibleng makaranas ng tagtuyot ngayong Pebrero

Aabot sa 29 na lalawigan sa bansa ang tinatayang makakaranas ng tagtuyot ngayong buwan dahil pa rin sa epekto ng El Nino phenomenon.

Ayon sa PAGASA, 13 lalawigan sa Visayas, 13 lalawigan sa Mindanao at tatlong lalawigan sa Luzon ang makakaranas ng tagtuyot. 15 lalawigan naman ang posibleng makaranas ng dry spell ngayong Pebrero, epekto pa rin ng El Nino.

Asahan din ang kaunting pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa, partikular sa Visayas at Mindanao. Asahan din na dadami pa ang maaapektuhan ng tagtuyot sa mga susunod na buwan lalo na sa pagpasok ng summer season.

https://www.youtube.com/watch?v=HcJW_TPUbjI

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *