Inflation rate, bumaba sa 1.3%
Bumaba sa 1.3% ang inflation rate nitong Enero dahil sa mababang presyo ng mga pagkain at non-food items.
Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) naging stable ang halaga ng isda, prutas, gulay, gatas, keso at itlog na nagpababa sa inflation para sa food sub group. Dagdag pa rito ang mababang presyo ng petrolyo, fuel at maging ang singil sa kuryente.
Ang inflation rate forecast para sa buwan ng Enero ay nasa pagitan ng 1.8 hanggang 1.6%.
Please follow and like us: