Media voting applications, ipinaaalala ng COMELEC

Sisimulan na ng COMELEC ang pagtanggap ng aplikasyon para sa mga nais makibahagi sa local absentee voting para sa May 9, 2016 elections.

Ayon kay Manuel Lucero, group head for media absentee voting committee sa Metro Manila maaari ng isumite sa kanila ng media networks ang mga pangalan ng mga nais mag-avail ng advance voting. Kailangan lamang ilakip sa aplikasyon ang liham mula sa network official, at dapat tiyakin na ang mga bobotong media personnel ay may biometrics at nakaboto na noong mga nakaraang halalan.

Bukod sa mga media practitioner ay maaari ring mag-apply sa absentee voting ang mga pulis, sundalo at iba pang tauhan ng gobyerno na nalipat o malilipat ng destino sa araw ng halalan, matatapos ang pagtanggap ng application form sa March 7, 2016.

https://www.youtube.com/watch?v=OpQ-br29IkA

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *