Mas kaunting pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa, nararanasan na!
Iniulat ng PAGASA na mas malawak na parte ng bansa ang nakakaranas ng mas kaunting pag-ulan ngayong Pebrero bunsod ng El Nino phenomenon. Partikular na may kaunting pag-ulan ang buong Mindanao, Negros, Bohol at ilang lugar sa Visayas, Bicol at Mimaropa.
Ayon sa PAGASA nabawasan ng 40% ang pumatak na ulan sa mga nabanggit na lugar sa unang siyam na araw ng buwan na ito.
Sinabi pa ng PAGASA na mas kaunting pag-ulan pa ang mararanasan sa susunod na buwan, hanggang Abril bago unti-unting humina ang EL Nino phenomenon sa kalagitnaan ng taong ito.
Please follow and like us: