Airtime donations ng mga kandidato, ipinagbabawal
Nagbabala ang COMELEC sa mga partylist at national candidates na nagsasabwatan para makalusot ang lagpas sa itinakdang airtime ng mga pulitiko.
Ayon kay Comelec Chairman, Andres Bautista hindi nila papayagan ang pagbebenta ng natitirang airtime ng partylist para sa presidential, vice presidential at senatorial candidates. Giit ni Bautista ay iitinuturing lamang na donasyon ng isang grupo ang pag-sponsor ng political advertisement, ngunit ang oras na nakalaan sa grupo ay hindi pwedeng ilipat sa ibang kandidato o partido.
Ang ganitong pagtatangka na guluhin ang patakaran ng commission ay malinaw na paglabag sa fair election act, at ito ay may katumbas na parusa.
https://www.youtube.com/watch?v=a1KXwrn2P5I