Mas mahigpit na batas laban sa illegal fishing ipatutupad
La Union, Philippines — Ipinabatid ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na simula Hunyo ngayong taon ay mahigpit nilang ipatutupad ang bagong ameyendang batas na RA 10654 o act to prevent, deter and eliminate illegal, unreported and unregulated fishing.
Ang sinomang lalabag sa naturang batas ay papatawan ng higit na mas malaking penalty kumpara sa dating Philippine Fisheries Code of 1998 o RA 8550.
Halimbawa, ang mga lalabag sa section 86 o di awtorisadong pangingisda ay papatawan ng limang beses ng halaga ng kanilang huli, magmumulta ng mula (P50,000) limampung libong piso hanggang limang milyong piso, kakasuhan sa korte na may dalawang beses, may administrative fine, bukod pa rito ay kukumpiskahin ang mga huling isda at mga kagamitan at makukulong ng anim na buwan.
Layunin ng naturang batas na wakasan ang lahat ng illegal, walang habas at mapanirang uri ng pangingisda o ang tinatawag na illegal unreported and unregulated fishing upang protektahan ang kabuhayan, karapatan at interes ng mga mangingisda at buong sector ng pangisdaan nang sa gayon ay magkaroon tayo ng sustainable fish food supply.