Mga tatamad-tamad at lakwatserong kawani ng gobyerno, parurusahan
Mahaharap na sa parusa ang mga tatamad-tamad at lakwatserong kawani ng gobyerno.
Ito ang ibinabala ng Civil Service Commission o CSC sa inilabas nilang Memorandum Circular 1 Series of 2017.
Ayon kay CSC Chair Alicia dela Rosa-Bala, hindi pinapayagan ang madalas na pag-absent at paglalakwatsa sa oras ng trabaho.
Aniya, kailangang sumagot ng form na magsisilbi nilang daily time record ang mga naka-assign sa labas ng kanilang tanggapan habang ang mga head ng ahensya at iba pang presidential appointee ay kailangang i-record ang kanilang attendance at absent kahit hindi na sila kailangang mag-bundy clock.
Muli ring nagbabala ang CSC na ang pamemeke o anumang uri ng iregularidad sa attendance record ay may kaakibat na parusang administratibo at kriminal.