Paghahanda sa kalamidad dapat ugaliin- OCD

 

ocd

Dapat ugaliin ang ginagawang paghahanda para sa paparating na kalamidad tulad ng lindol.

Sa panayam ng Saganang Mamayan sinabi ni Civil Defense Deputy Administrator Atty Toby Purisima , ito ay para malaman  ng bawat isa ang tamang paraan ng paghahanda at gagawin tuwing may tatamang kalamidad.

Hindi aniya dapat ugaliin ng mga opisyal ng gobyerno na kapag mayroong tumamang kalamidad lamang sila kikilos para magsagawa ng mga earthquake drill.

Dagdag pa ni Purisima kung may sapat na kaalaman at kahandaan ay kakaunti lamang ang mapipinsala at kailangang irescue

“the more we know the less we have to be rescued… so hindi lang ito para sa ating safety ngunit para rin ito sa safety ng ating mga rescuer at first responders hindi nila kakailanganing pumunta dyan at magrescue ng tao kung alam ng mga tao in the first place ang kanilang dapat gawin”.- Purisima

 

Please follow and like us: