Senadora Leila de Lima , nanawagan na rin na patalsikin sa pwesto si Pangulong Duterte
Tila inuudyukan na ni Senadora Leila de Lima ang publiko na magprotesta matapos himuking magsalita at kumilos para labanan si Pangulong Rodrigo Duterte.
“Ngayon ay panahon na naman upang tayo ay manindigan at tumayo sa harap ng isang kriminal na diktador at rehimeng mapaniil .Ipaglaban natin ang ating karapatan, ang hustisya at ang ating demokrasaya”.-de Lima
Bagaman hindi People Power ang panawagan ng Senadora, sinabi ni de Lima napapanahon na para tumayo, manindigan at ipaglaban ang karapatan sa hustisya laban sa isang Pangulo na tinawag nitong mamamatay tao at sociopathic serial killer.
Hindi aniya dapat magbulag-bulagan ang publiko sa aniyay pagigingnumero uno umanong kriminal o murderer ng Pangulo.
Katunayan ang dami ng mga ipinapatay nito sa Davao batay sa testimonya ng kaniyang kanang kamay na si SPO3 Arturo Lascanas bukod pa sa mahigit pitong libong namatay sa Oplan Tokhang o Anti Drug operations batay sa utos ng Pangulo.
Apela niya sa mga miyembro ng gabinete nito gumising na at isalba ang bansa laban sa isang kriminal na wala aniyang kapasidad para gawin ang kaniyang trabaho bilang Pangulo.
Sabi pa ni de Lima, hanggang ngayon wala pang pinagbabayaran sa batas ang pangulo sa kabila ng libo-libo nitong mga naging biktima.
“Sa paglantad ni Lascañas, wala na pong natitirang duda na ang atin pong Pangulo ay isang mamatay tao at sociopathic serial killer”.-de Lima
Katunayan sa panahon aniya ni Duterte namayagpag ang mga kriminal,corrupt, halang ang bituka gaya nina pork barrel queen Janet Lim Napoles at convicted drug lords/crimials na planong ipa-abswelto ng gobyerno.
“Huwag na tayong magtanong kung bakit sa panahon ni Duterte naglabasan at namayagpag ang lahat kriminal, corrupt , halang ang bituka at maiitim ang mga kaluluwa. May reunion ng mga kriminal sa goberyong ito dahil ang pinaka kriminal sa kanila ngayon ang Pangulo ng bansa”.- de Lima
Ulat ni: Mean Corvera