Panukalang pagtatatag ng National Transportation Safety Board, pinaaaksyunan sa Kamara
Pinakikilos ni Muntinlupa Cong. Ruffy Biazon ang kamara na aksyunan ang kanyang panukalang magtatag ng National Transportation Safety Board na mag-iimbestiga sa mga transportation accident.
Kasunod ito ng malagim na aksidenteng sinapit ng mga estudyante ng Bestlink College sa Tanay, Rizal nitong Lunes.
Sa panukala ni Biazon, ang NTSB ay bubuo ng mga rekumendasyon sa Transportation Regulatory body base sa mga gagawing imbestigasyon sa mga aksidente.
Ito ang tatayong independent agency na magiging responsable din sa evaluation ng air land at marine transportation safety sa layuning maiwasan ang mga disgrasya.
Giit ni biazon, panibagong wake up call sa kongreso ang aksidente sa Tanay para magkaroon ng ganitong lehislasyon.
Ulat ni: Madelyn-Villar Moratillo