Paglalagay ng Drug Free stickers sa mga bahay kinontra ng Oposisyon sa Kamara
Kinontra ni Albay Cong. Edcel Lagman ang plano ng Department of Interior ang Local Government o DILG na maglagay ng drug free stickers sa mga bahay na walang nakatirang adik sa droga.
Giit ni Lagman kabaliktaran lamang ito ng spray paint shame campaign noon ni dating Manila Mayor Alfredo Lim na naideklarang unconstitutional ng Court of Appeals.
Nababahala ang kongresista na magiging bukas sa kahihiyan ang nakatira sa mga bahay na walang drug free stickers dahil mapapaghinalaan ang mga ito na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Paalala ni Lagman sa DILG ang ganitong pagpapahiya sa sinumang indibidwal lalo pa at walang due process ay salungat na salungat sa rule of law.
Ang tamang proseso aniya ay arestuhin at litisin ang mga sangkot sa droga base pa rin sa ebidensiya.
Ulat ni : Madelyn Villar-Moratillo