Kamara tinawag na Chamber of bullies and puppets dahil sa pagratsada sa death penalty bill

Galit at dismayado ang mga anti-death penalty Congressmen sa mabilis na pag apruba sa ikalawang pagbasa ng panukala para sa pagbabalik ng parusang kamatayan.

Tinawag ni Albay Cong. Edcel Lagman ang kamara na Chamber of bullies and puppets dahil sa railroading ng HB 4727.

Tahasan aniyang sinagasaan ng liderato ng kamara ang kanilang karapatan na magpahayag ng malaya sa plenaryo kaugnay ng kontrobersiyal na panukala.

Giit ni Lagman, sinagasaan pa ang rules ng kamara para lamang ilusot na ang Death Penalty Bill sa araw na ito.

Ikinapika pa ni lagman ang pahayag ni House Majority Leader Rodolfo Farinas na hindi honest to goodness ang kanilang mga itinutulak na amiyenda sa Death Penalty Bill.

Malisyoso at insulto  ito sa kanilang mga anti-death penalty Congressmen kaya dapat lamang maalis ito sa records ng kamara.

Tiniyak ni Lagman na gagawa sila ng paraan para mahadlangan ang third reading approval ng Death Penalty Bill sa a-otso ng Marso.

Ulat ni: Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *