Telephone records ng panunuhol sa Bilibid inmates hawak na ng NBI at DOJ
Hawak na ng DOJ at NBI ang telephone records mula sa Telecommunication Companies kaugnay sa sinasabing tawag sa telepono sa AFP Custodial Center para suhulan ang mga Bilibid inmates para bawiin ang testimonya laban kay Senadora Leila de Lima.
Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nasa kanila na rin ang iba pang mga ebidensya na magpapatunay na inalok ng ₱100M ang mga high-profile inmate kapalit ng pagbaligtad sa kanilang testimonya.
Dahil dito iginiit ni Aguirre na totoo ang bribery attempt.
Una nang tinukoy ng kalihim sina dating Senador Jamby Madrigat at Laguna Representative Len Alonte-Naguiat na mismong nag-alok ng suhol.
Ilan sa inmates na nakakulong sa AFP facility ay sina Herbert Colanggo, Engelberto Durano, Vicente Sy, Jojo Baligad, at Peter Co.
Sila ang ihaharap ng prosekusyon na testigo sa drug cases ni de Lima sa Muntinlupa Court.
Ulat ni : Moira Encina