Lindol sa Surigao del Norte, dalawa na ang patay
Dalawa na ang nasawi matapos tumama ang magnitude 5.9 na lindol sa Surigao Del Norte.
Sa panayam ng programang Feedback sinabi ni Surigao Vice Mayor Alfonso Casurra , na atake sa puso ang ikinasawi ng mga biktima .
Samantala, apatnaput isa naman ang nasugatan.
“Right now officially ang count namin sa namatay ay dalawa na ..yung dalawa ay as a result of cardiac arrest … and about 41 injuired brought to the hospital..some of them admitted …some of them out patient “. – Surigao City Vice Mayor Alfonso Casurra
Dagdag pa ni Casurra , maraming gusali sa kanilang lugar na nauna nang nasira ng naranasang lindol noong Pebrero ang totally damaged na ngayon .
Problema rin aniya kung papaano papahupain ang takot ng mga residente kapag muling nakaramdam ng aftershocks ang mga ito.
“whether it is a major quake or an aftershock it still lindol and the problem really is how to contend yung reaction ng mga tao..yes we know where to go …yes we know what to do but the moment it struck us.. parang di namin mapigilang sumigaw hindi mo malaman kung ano ang gagawin mo”. – Surigao City Vice Mayor Alfonso Casurra
Una nang inihayag ni PHIVOLCS Dir. Renato Solidum na ang malakas na pagyanig ay maituturing na aftershock ng magnitude 6.7 na lindol noong Pebrero.