Programang Pangkasaysayan, mapapakinggan na sa Radyo Agila
Inilunsad na sa DZEC Radyo Agila ang programang magbibigay daan sa mga kasaysayan at kalagayan ng edukasyon ng bansa.
Ito ang Lakas Pinoy Radyo na mapapakinggan tuwing Sabado ganap na alas singko ng hapon hanggang alas sais ng gabi .
Sa pakikipagtulungan ng Philippine Historical Association at ng Philippine Association of Administrators of Student Affairs o PAASA.
Ayon kay Dr. Carlito Olaer, Presidente ng PAASA, binuo ang naturang programa sa hangarin na magabayan ang mga kabataang mag-aaral at maipaunawa sa mga ito ang mga magagandang kasaysayan sa bansa.
Makakasama rin bilang host ng Lakas Pinoy Radyo si Dr. Evelyn Songco ng Philippine Historical Association.