Mga grupo ng Manobo at mga tumutuligsa sa pagpapasara ng mining industry nag rally sa Senado
Sumugod sa Senado ang ibat-ibang grupo na tumutuligsa sa kampanya laban sa mining industry ni Environment Secretary Gina Lopez.
Sa harap ito ng pagsalang ni Lopez sa makapangyarihang Commission on Appointments.
Itoy para ipakita ang kanilang pagkadismaya kay Lopez.
Reklamo nila sa mga miyembro ng CA, nalagay sa balag ng alanganin ang kanilang kabuhayan dahil sa pagpapatigil ng operasyon ng minahan.
Hiling nila sa CA, huwag kumpirmahin ang appointment ni Lopez.
Sa ngayon, umaabot na sa dalawamput tatlo ang bilang ng mga tutol sa nominasyon ni Lopez mula sa ibat-ibang grupo na apektado ng ginawang pagpapasara sa mga minahan.
Ulat ni : Mean Corvera