Pagboto ni GMA ng no sa death penalty bill hindi makakaapekto sa relasyon nito kay Pang. Duterte ayon sa Malakanyang
Naniniwala ang Malakanyang na hindi masisira ang relasyon nina Pangulong Duterte at dating Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo dahil sa pagboto ng no sa death penalty bill ng dating Presidente at ngayon ay Pampanga Congresswoman.
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na iginagalang ni Pangulong Duterte ang opisyon ng bawat isang pilipino sa ilalim ng demokrasyang lipunan.
Reaksyon ito ng Malakanyang sa paninindigan ni House Speaker Pantaleon Alvarez na aalisan ng posisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga mambabatas na bumoto ng no sa death penalty bill.
Si dating Pangulong Arroyo ay tumatayong Deputy Speaker sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ulat ni : Vic Somintac