Sangkatutak na Undersecretary sa DENR naungkat sa pagsalang sa CA ni Lopez
Naungkat sa pagdinig ng Commission on Appointments ang sangkatutak na Undersecretaries, Assistant Secretaries, Advisers at officer in charge na kinuha ni DENR Secretary Gina Lopez.
Sa pagtatanong ni Mindoro Occidental Representative Josephine Sato, lumilitaw na may anim na career Undersecretary, tatlo ang officer in charge at mga iba pang consultants na kinuha si Lopez gayong limang Undersecretary lang ang pinapayagan sa DENR.
Demoralisado rin ngayon ang mga DENR personnel matapos payagan ang kaniyang mga Deputy na mag-take over bilang mga Provincial Environment and Natural Resources officers o PENROS.
Ang masama ayon sa kongresista, inilagay ang mga opisyal sa plantilla position gamit ang slot ng mga Provincial Environment Officers.
“Some organic personnel at DENR are demoralized because Lopez appointed her own people plantilla positions, had used slots for provincial DENR officials to appoint usecs”. – Occidental Rep. Sato
Pero sagot ni Lopez, kailangan niya raw ng mga taong mapagkakatiwalaan.
Ulat ni: Mean Corvera