DOH, hinikayat si Pang. Duterte na pagtibayin ang smoking ban
Kumpiyansa ang Department of Health na lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga tanggapan ng gobyerno sa buong bansa.
Sa panayam ng programang Eagle in Action sinabi ni DOH Spokesman Dr. Eric Tayag, malaking tulong sa kalusugan ng nakararami kapag nalagdaan na at ipinatupad ang naturang kautusan.
Kapag nalagdaan na ay dapat magpatupad ng isang ordinansa para malinaw na nakasaad ang ipapataw sa sinumang mapapatunayang lumabag sa smoking ban.
” Ang executive order po na lalagdaan ng ating pangulo ay isang magandang balita, hindi po ito smoking ban lamang yan po ay para sa ikagaganda ng kalusugan ng lahat po nating mga pilipino”.- Dr. Tayag
Matatandaang ipinagpaliban ni Pangulong Duterte ang paglagda sa Executive Order na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga tanggapan ng gobyerno sa dahilang pag-aaralan muna itong mabuti bago tuluyang lagdaan.