BI Bribery scandal hearing ng Senado, tinapos na

Tinapos na ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa ₱50M bribery scandal na kinasasangkutan ng ilang opisyal ng Bureau of Immigration.

Ayon kay Senador Richard Gordon, malinaw na extortion at hindi bribery ang nangyari.

Lumiltaw aniya sa mga ebidensya na kinikilan ng mga dating opisyal ng immigration ang gambling tycoon na si Jack Lam kapalit ng pagpapalaya sa mahigit isanlibo at tatlongdaang illegal chinese workers.

Uumpisahan na  nila ang pabalangkas ng committee report at may mga opisyal na irerekomendang kasuhan.

Kinabibilangan ito nina immigration chairman Jaime Morente at mga dating commissioners na sina Atty. Al Argosino , Michael Robles, at dating intelligence chief Charles Calima

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *