Korte Suprema magdaraos ng pre-oral argument conference sa petisyon ni Sen. de Lima
Magsasagawa ang KorteSuprema ngayong araw, March 10 ng pre-oral argument conference kaugnay sa petisyon ni Senadora Leila de Lima.
Pag-uusapan doon ang mga isyu na tatalakayin sa oral arguments sa kaso ni de Lima na nakatakda sa March 14.
Kaugnay nito, kasama na sa uupo sa oral arguments ang dalawang bagong mahistrado ng Korte Suprema na sina Justices Samuel Martires at Noel Tijam.
Nakapanumpa na sa kanyang pwesto si Martires kay Pangulong Duterte sa Malacanang, habang si Tijam ay nanumpa kay SC Justice Presbitero Velasco.
Partikular na hinihiling ni de Lima na masantabi ang arrest warrant na inisyu ng Muntinlupa RTC at mapigilan ang pagdaraos ng proceedings sa kanyang kaso hanggang hindi nareresolba ang inihain niyang motion to quash.
Nais din ni De Lima na magpalabas ang Korte Suprema ng TRO at Status Quo Ante Order.
Ulat ni: Moira Encina