Pagiging rice sufficient ng Pilipinas, target pa rin ng DA
Target pa rin ng Department of Agriculture na maging rice sufficient ang bansa sa susunod na tatlong taon.
Sa panayam ng Saganang Mamamayan sinabi ni DA Undersecretary for Operations Ariel Cayanan , kinakailangan lamang na bigyan ng magandang pataba para sa mga pananmim ang mga magsasaka para maging maganda ang ani.
Sinisikap ng kanilang ahensya na bagaman mahirap dahil sa usapin ng climate change ay may sistemang susundinparamakamit ang pagiging rice sufficient.
“Para po magkaroon ng productive na ani , napatunayan na po natin sa pagkukonsulta sa ibat iba nating expert kabilang na po ang ating mga magsasaka .pag maayos po ang binhi hybrid productive po yan .bigyan mo po ng maganda pataba lalo pong gaganda yan. At syempre with water flows there is were plant grows.. tubig po ang kailan at nasabi ng ating Pangulo na libre po ang irigasyon”. – DA Usec. for Operations Cayanan
Samantala, gagamitin na rin ang makabagong teknolohiya na tinatawag na farm help isang application na magagamit ng mga magsasaka para mabilis na maiparating sa pamahalaan ang kanilang mga suliranin.
Sa pamamagitan ng naturang application ay ituturo sa mga magsasaka ang dapat na gawin.
“Ang farm help po ay downloadable po siya sa any android any system na available kayo ..at pagnadownload nyo po nakahook up po yan sa lahat ng bureau’s lahat ng attach agency so on the spot halimbawa napeste po ang palay ninyo at kunan nyo po ng picture at bigyan nyo kami ng mga vital information 24 by 7 may sasagot po sa inyo kung ano ang dapat gawin”.- DA Usec. for Operations Cayanan