Air pollution at second hand smoke kabilang sa sanhi ng pagkamatay ng tinatayang 1.7 milyong bata, ayon sa World Health Organization
Tinatayang 1.7 milyong bata sa buong daigdig na mababa sa limang taong gulang ang namamatay sanhi ng mga sakit na iniuugnay sa air pollution, second hand smoke, maruming tubig at hindi sapat na sanitation at hygiene.
Ang naturang datos ay batay sa WHO State of Children’s Health and the Environment.
Ang mga bata sa developing countries ang madalas na biktima at kabilang dito ang Pilipinas.
Batay pa sa WHO, ang tatlong matitinding sanhi ng pagkamatay ng bata edad isang taon hanggang limang taon ay Diarrhea, Malaria at Pneumonia.
Binigyang diin ng health experts na marami sana sa 1.7 milyong kamatayan ng mga bata ay maiiwasan kung nalulunasan ang suliranin sa maruming hangin at maruming tubig.
Dagdag pa ng mga eksperto, ang simple at tamang paraan ng paghuhugas ng mga kamay gamit ang sabon ay may malaking maitutulong para hindi dapuan ng mga naturang sakit lalong lalo na sa panig ng mga bata.
Ulat ni: Anabelle Surara