Teleserye sa Davao Death Squad killings ayaw nang palawakin ng mga Senador
Tutol ang mga Senador na paharapin ang apat na umanoy miyembro ng Davao Death Squad na planong lumutang para patunayan ang mga alegasyon ng bumaligtad na pulis na si SPO3 Arturo Lascanas.
Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto, wala siyang nakikitang dahilan para palawakin pa ang imbestiasyon sa mga kaso ng pagpatay na iniuugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sabi ni Sotto, kung papayagan nilang humarap ang apat na umanoy bagong testigo, kakagat lang sila sa trap ng mga handler ni Lascanas.
Iginiit naman ni Senador Panfilo Lacson na hindi pagpapanagot kay Pangulong Duterte ang tunay na pakay ng mga nasa likod ni Lascanas kundi i-destabilize ang kasalukuyang administrasyon.
Iginiit naman ni Senador Sherwin Gatchalian na nawala na ang kredibilidad ni Lascanas at hindi na ito dapat pang pagkatiwalaan.
Nauna nang nagdesisyon ang komite ni Lacson na isara na ang imbestigasyon matapos ang pagdinig noong nakaraang linggo dahil wala silang nakitang provative value sa mga naging testimonya ni Lascanas.
Ulat ni : Mean Corvera