Panukalang libreng public WIFI inaprubahan na ng Senado
Inaprubahan na sa third at final reading ng Senado ang panukalang free internet access sa lahat ng public places.
Unanimous o labingwalong Senador ang pumabor sa Senate Bill 1277 o libreng internet sa mga pampublikong lugar.
Kabilang na rito ang National and Local government offices
Public basic education institutions, State universities and colleges, public hospitals and health centers, parke, plaza at library kasama na ang airports, seaport at transport terminals.
Ayon kay senador Bam Aquino, isa sa mga nagsulong ng panukala, malaki ang maitutulong nito para sa mga estuyante, pagpapabilis ng komunikasyon at pagnenegosyo.
Ulat ni : Mean Corvera